NAGA CITY – Sugatan ang isang lalaki matapos pagtatagain ng sariling ama dahil sa cellphone sa Sitio Tagmok, Brgy. Manangle, Sipocot , Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Orlan Bagasina, 33-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa PNP- Sipocot, napag- alaman na pumasok umano ang biktima sa kanilang bahay na nasa impluwensya ng alak at pinatugtog ng malakas ang kanyang cellphone.

Dahil dito nagising ang natutulog na ama na si Basilio Bagasina at inutasan ang biktimang patayin ang kanta sa kanyang cellphone.

Nagalit umano ang biktima at pinagsusuntok ang ama .

Dahil dito, kumuha ng itak ang suspek at pinagtataga ang sariling anak sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Samantala, nasa kustudiya na ng mga otoridad ang padre de pamilya para sa karampatang disposisyon.