Nagbiro ang aktres at dating Viva Hotbabes member na si Andrea Del Rosario kaugnay ng mga larawang kumalat niya kasama si Senador Ronald dela Rosa, na kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad.
Nagsimula ang usapan matapos i-share ng aktres sa social media ang isang throwback photo nila ng senador, na agad napansin at kinuwestyon ng netizens kung may alam siya sa kinaroroonan nito.
Nilinaw ni Del Rosario na lumang larawan lamang iyon at wala siyang kinalaman sa kasalukuyang isyu ng senador.
Sa gitna ng mga online na biruan, sinabi pa ng aktres na “sumasakay lang siya sa memes” at hindi niya inasahan na lalaki ang usapan kaugnay ng naturang post.
Nagpatuloy rin siya sa pagbibiro nang may netizen na nagsabing maaari siyang maimbestigahan, at iginiit niyang wala siyang alam at nagpapatawa lamang sa online conversation.
Samantala, patuloy na pinaghahanap si Senador dela Rosa matapos ipag-utos ng Department of Justice (DOJ) ang kanyang paghahanap ng mga law enforcement agencies kaugnay ng pagpapatupad ng arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).














