Ipinahayag ni Archbishop of Canterbury Sarah Mullally ang suporta sa panawagan ni Pope Leo XIV para sa kapayapaan sa buong mundo, kasabay ng paghimok sa milyun-milyong Anglicans na magsalita laban sa digmaan at karahasan.

“I stand with my brother in Christ, His Holiness Pope Leo XIV, in his courageous call for a kingdom of peace,” ani Mullally, bilang tugon sa panawagan ng Santo Papa para sa pandaigdigang kapayapaan.

Hinikayat niya ang tinatayang 85 milyong Anglicans sa buong mundo na aktibong magsalita para sa kapayapaan, kasunod ng mga kritisismo ni U.S. President Donald Trump laban sa Santo Papa dahil sa umano’y mga pahayag nito hinggil sa digmaan sa Iran.

Binigyang-diin din ni Mullally ang epekto ng mga armadong tunggalian sa mga sibilyan, kabilang ang pagkamatay ng mga inosente, pagkawasak ng mga pamilya, at pagwasak ng kinabukasan ng maraming komunidad.

Advertisement

Samantala, nauna nang kinondena ni Pope Leo XIV ang mga lider na gumagastos ng bilyon-bilyong dolyar para sa digmaan, at iginiit na nalalapastangan ng ilang makapangyarihang lider ang mundo at inaabuso ang kapangyarihan.

Pinuna rin ng Santo Papa ang paggamit ng relihiyon bilang katwiran sa marahas na labanan, na aniya ay nagdudulot lamang ng mas malawak na pagkawasak at paghahati-hati.

Sa kabilang panig, tinawag ni Trump si Pope Leo XIV na “Weak on Crime” at “Terrible for Foreign Policy” sa isang post sa social media, na lalong nagpalalim sa hindi pagkakasundo sa pagitan ng dalawang panig.

Advertisement