NAGA CITY- Patay ang isang babae matapos magbigti sa Candelaria, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Vinaleen Comia, 26-anyos, residente ng Sitio CYO Brgy. Sta Catalina Norte sa nasabing bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakita na lamang ang biktima ng kaniyang pinsan na nakabigti sa sala ng bahay ni Comia at wala ng buhay.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, mababatid na ang nasabing biktima ay mayroong pinagdadaanan na problema sa pamilya bago madiskubre ang pagbigti nito.
Samantala, wala naman aniyang nakitang suicide note mula sa biktima sa nasabing insidente.