NAGA CITY- Patay ang isang babae matapos na paluin sa Sitio Hilirang Buli, Brgy. Lagalag, Tiaong, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Joana Marie Aguilar Palivino, residente ng nasabing lugar.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nagkaroon nang mainit na argumento ang biktima at ang suspek na si Michael Perez Atienza, 33-anyos, residente rin ng nasabing lugar.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na pinalo nang suspek ang biktima nang matigas na bagay mula sa gilid ng kanilang bahay.
Dahil sa insidente, nagtamo nang sugat sa iba’t ibang bahagi nang kanyang katawan ang biktima na nagin sanhi sa agaran nitong kamatayan.
Samantala, kaagad naman na tumakas ang suspek matapos ang pangyayari.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente gayundin ang paghanap sa posibleng pinagtataguan ng suspek.