NAGA CITY- Sugatan ang isang 56-anyos na babae matapos na masagasaan ng kotse habang nagbibisekleta sa Brgy. Kinalansan San Jose Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Marita Padin residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office CSPPO, sinasabing habang patawid ang biktima ng kalsada ng mabangga ito ng isang kotse na minamaneho ni Carl Earvin Favorito 27-anyos.

Kaugnay nito, tumilapon ang biktima sa hood ng nasabing kotse.

Dahil dito, nagtamo ito ng tama sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.