Ipinahayag ni House Deputy Speaker at Iloilo Representative Janette Garin ang kaniyang suporta sa paghirang kay Dr. Jose Brittanio Pujalte Jr. bilang bagong kalihim ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Garin, na dati ring nagsilbing kalihim ng DOH, personal na niyang nakatrabaho si Pujalte at nasaksihan ang pagiging propesyonal, mahusay, at dedikado nito sa paglilingkod sa publiko.

Naniniwala ang kongresista na sa pamumuno ni Pujalte ay lalo pang mapapahusay ang paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan sa mga Pilipino.

Umaasa rin si Garin na matagumpay na matutugunan ng bagong kalihim ang iba’t ibang hamong kinakaharap ng DOH at matitiyak na mapakikinabangan ng bawat mamamayan ang mga programang pangkalusugan ng pamahalaan.

Advertisement

Kasabay nito, tiniyak ni Garin ang kaniyang buong suporta sa bagong health secretary sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga reporma at batas na magpapalakas at magpapahusay sa healthcare system ng bansa.

Advertisement