NAGA CITY- Patay ang isang ina na positibo sa Coronavirus Disease matapos nitong hindi makayanan ang kanyang panganganak sa Sagnay Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Bicol #8798, 27-anyos residente ng nasabing lugar.

Sa opisyal na pahayag ni Sagñay Mayor Jovi Fuentebella, sinabi nito na kasabay ng pagdiriwang ng araw ng mga ina ay ang pagkamatay rin ng isang ilaw ng tahanan.

Ayon dito, papunta pa lamang sa isang lying in-center ang nasabing biktima ng hindi na nito nakayanan at nanganak na sa loob ng isang tricycle.

Ngunit habang sakay umano ng nasabing tricycle ay makaranas na ng Eclampsia ang biktima kung kaya wala na itong malay ng makarating sa nasabing center.

Dahil dito kinailangan muli itong ilipat sa Bicol Medical Center ngunit hindi na nito nakayanan at dito na binawian ng buhay.

Kaugnay nito, agad umanong isinailalim sa cremation ang nasabing pasyiente habang maswerte namang nakaligtas ang anak nito.

Sa ngayon dahil sa naturang pangyayare ay hindi narin nagawa pang paglamayan ng pamilya ang nasabing biktima dahil kasalukuyan narin umanong naka-quarantine ang mga ito pati narin ang mga naging close contact ng nasabing biktima.