Naglunsad ng operasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) at PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isang bahay sa loob ng subdivision sa Angeles City, Pampanga na pinaghihinalaang pinagtataguan ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

Isinagawa ang operasyon alas-6 ng umaga ngayong Miyerkules, Mayo 26, sa isang bahay na pagmamay-ari umano ng tiyuhin ni Senator Robin Padilla.

Gayunman, negatibo ang naging resulta ng operasyon matapos na hindi matagpuan si Dela Rosa sa naturang lugar. Wala rin umano roon ang sasakyang iniuugnay sa senador.

Matatandaang nagsagawa ng malawakang manhunt operation ang PNP at NBI laban kay Dela Rosa matapos siyang isailalim sa warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC).

Advertisement
Advertisement