Malaki ang paniniwala ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nasa Pilipinas pa rin si Senador Ronald dela Rosa sa kabila ng umiiral na warrant of arrest laban sa kanya mula sa International Criminal Court.
Ayon kay CIDG Director Police Major General Robert Alexander Morico II, nakabatay ang kanilang assessment sa mga impormasyong nakalap ng ahensya, bagaman tumanggi siyang magbigay ng karagdagang detalye tungkol dito.
Tiniyak din ng opisyal na ipatutupad ng CIDG ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa senador alinsunod sa umiiral na proseso ng batas.
Matatandaang nahaharap si Senador dela Rosa sa warrant of arrest mula sa ICC kaugnay ng kanyang umano’y pagkakasangkot sa war on drugs campaign noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.














