Pumanaw na si dating special envoy for international public relations Dante Ang, ayon sa kumpirmasyon ng kanyang pamilya nitong Martes ng gabi, Mayo 5.

Sa isang social media post, kinumpirma ng kanyang anak na si Joanna Ang ang pagpanaw ng kanilang ama, na tinawag nilang “Dr. Dante A. Ang,” at ipinahayag ang matinding pagdadalamhati ng pamilya.

Magsisimula ang burol ni Ang ngayong Miyerkules, Mayo 6, sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque City. Hiniling ng pamilya na sa halip na bulaklak ay magbigay na lamang ng donasyon para sa Hospicio de San Jose, isa sa kanyang mga suportadong charitable institution.

Si Ang ay nagsilbing chairman emeritus ng The Manila Times at naging special envoy for international public relations sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Advertisement

Naging publicist din siya ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo mula 1993 hanggang 2003, at kalaunan ay itinalaga bilang chairman ng Commission on Filipinos Overseas noong 2005, kung saan nanungkulan siya hanggang 2010.

Wala pang inilalabas na detalye ang pamilya hinggil sa sanhi ng kanyang pagpanaw.

Advertisement