Naihain na ng Department of Justice (DOJ) sa Makati Regional Trial Court (RTC) ang extradition request ng United States kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy.

Ayon sa DOJ na ang petisyon ay naihain noong Nobyembre 9 at ito ay nai-raffled sa Makati RTC Branch 145.Bumili ng Planner

Bukod kay Quiboloy ay kasama rin sa extradition sina Teresita Dandan at Helen Panilag.

Una ng humiling ang US sa Pilipinas na dapat ma-extradite si Quiboloy na nahaharap sa mga kasong sex trafficking, international human trafficking, bulk cash smuggling at racketeering

Advertisement

Noong Oktubre ay kinumpirma ng DOJ na nasa final stage na sila ng extradition petition kay Quiboloy.

Nananatiling mayroong arrest warrants ang korte sa US laban kay Quiboloy at mga kasamahan nito na ito ayvalid at executable.

Sa ilalim ng udpated Rules of Extradition ng DOJ na maglalabas ang korte ng arrest warrant laban sa mga extradites at maglalabas ang clerk of court ng summone kung saan ang mga petisyon at lahat ng mga annexed documents ay personal na ihahain sa mga extraditees.

Paglilinawdin ng DOJ na ang extradition proceedings sa bansa ay administrative-judicial proceedings at hindi criminal trials kung saan hindi tutukuyin ng korte ang guilty ba o inosente ang mga akusado at ang tutukoy nito ay manggagaling sa court system na nagrequest ng extradition.

Advertisement