NAGA CITY – Patay ang isang motorcycle driver at backrider nito matapos na makabanggaan ng mga ito ang isang bus sa Bula, Camarines Sur.

Ayon sa mga naksaksi, bandang alas-7:15 ng umaga kahapon habang binabagtas ng mga biktima sakay ng kanilang motorsiklo ang bahagi ng Zone 5, Pawili, sa nasabing bayan ng makabanggaan ng mga ito ang pampasaherong bus.

Agad naman sanang itinakbo sa ospital ang mga ito ngunit ideklara rin itong dead-on-arrival ng doktor.

Sa ngayon, muling nagpaalala ang mga awtoridad na maging maingat at responsable sa pagmamaneho upang maiwasan ang anumang aksidente sa kalsada.