Patuloy na dumaloy ang byahe ng mga barko sa Strait of Hormuz noong Lunes, at mas mabilis ito kumpara sa mga araw bago ang kasunduan ng US at Iran na mag-usap upang tapusin ang digmaan sa Gitnang Silangan.

Ayon sa mga maritime tracking firms, nakitaan ng bahagyang pag-angat ang bilang ng mga dumadaang barko matapos ang kasunduan, kahit nananatiling pabago-bago ang sitwasyon sa rehiyon.

Pagsapit ng hapon, humigit-kumulang 26 na barkong kargamento ang nakapag-transit na sa kipot, ayon sa data mula sa Kpler at AXSMarine. Ang bilang na ito ay malapit sa mga naunang araw na umabot sa humigit-kumulang 30 transits kada araw.

Noong Sabado, naitala ang pinakamataas na trapiko mula nang magsimula ang tensyon, na umabot sa 38 na commercial vessel transits, na nagpapakita ng patuloy na paggalaw ng kalakalan sa mahalagang daanang-dagat.

Advertisement

Sa kabila ng anunsyo ng Iran ng muling pagsasara ng daanan dahil sa mga pag-atake sa Lebanon, nanatili itong operational, bagama’t may ilang barko na naglayag nang naka-off ang kanilang tracking signals upang maiwasan ang panganib.

Advertisement