NAGA CITY- Patay ang isang ginang matapos pagsasaksakin sa Bula, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Rosie Bolival, 33-anyos, residente ng Zone 2, Brgy. La Purisima, sa nasabing bayan.

Sa nakuahng impormasyon ng Bombo radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang nasa loob ng bahay ang biktima ng dumating ang suspek na kinilalang si Alex Paelma, 42-anyos, residente ng nasabing lugar na armado ng patalim at sinubokan na molestiyahin ito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman pa na sinubokan sanang maglaban ng biktima ngunit naging rason ito para magalit ang suspek at tuloyang pagsasaksakin si Bolival.

Samantala, labis na obsession ng suspek ang nakikitang motibo sa krimen.

Sa ngayon ay nasa kostodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.