NAGA CITY – Patay na nang matagpuan ang katawan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki sa Pagbilao, Quezon.

Ang nasabing biktima ang tinatayang nasa 30 hanggang 40 taong gulang at mayroong mga tattoo sa katawan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan na lamang ang katawan ng biktima habang nakabalot ng face towel at trash bag ang ulo nito at nakadapa sa gilid ng kalsada ng New Zigzag Road Sitio Upper Sapinit Brgy. Silangang Malicboy sa nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, pinaniniwalaan ng mga ototidad na posibleng tinapon na lamang ang biktima sa lugar ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Sa ngayan, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing krimen.