Inaprubahan ng House of Representatives of the Philippines sa ikalawang pagbasa ang panukalang Kalinga Act na layong mapabilis ang pagtugon ng pamahalaan sa pagtaas ng presyo ng langis, inflation, at iba pang krisis na nakaaapekto sa pagkain, transportasyon, at kabuhayan.

Ayon kay House Majority Leader at Ferdinand Alexander Marcos, magbibigay ang panukala ng mas malinaw na mekanismo upang agad na makatulong sa mga pamilyang apektado ng mataas na presyo ng petrolyo at pangunahing bilihin.

Sa ilalim ng House Bill No. 9305, maaaring magdeklara ang Pangulo ng national energy emergency kapag lumampas sa itinakdang antas ang presyo ng langis o nagkaroon ng kakulangan sa fuel supply.

Kapag naideklara ang emergency, maaaring magpatupad ang pamahalaan ng iba’t ibang ayuda kabilang ang cash assistance, fuel subsidy, food at transport support para sa mahihirap na pamilya, manggagawa, tsuper, magsasaka, mangingisda, delivery riders, at maliliit na negosyo.

Advertisement

Nakasaad din sa panukala ang posibleng pansamantalang suspensyon ng value-added tax (VAT) at excise tax sa produktong petrolyo sa loob ng hanggang 60 araw upang mabawasan ang epekto ng pagtaas ng presyo sa publiko.

Advertisement