Inihayag ng House prosecution panel na hihiling ito sa impeachment court na maglabas ng subpoena upang mapaharap bilang testigo si Atty. Zuleika Lopez, dating chief of staff ng Office of the Vice President.

Sa panayam sa media, sinabi ni Atty. Benjamin Tolosa Jr., tagapagsalita ng House prosecution panel, na naniniwala silang mahalaga ang testimonya ni Lopez sa nagpapatuloy na impeachment proceedings.

Ayon kay Tolosa, maaaring may direktang kaalaman si Lopez sa ilang mahahalagang usapin na nakapaloob sa Articles of Impeachment, kabilang ang mga reklamong inihain at mga ebidensiyang iniharap ng prosekusyon.

Aniya, ang pagharap ni Lopez bilang testigo ay makatutulong upang higit na malinawan ang impeachment court sa mga isyung tinatalakay at mapagtibay ang mga alegasyong inilahad ng prosecution panel.

Advertisement

Inaasahan namang pagdedesisyunan ng impeachment court kung pagbibigyan ang kahilingan ng prosekusyon na magpalabas ng subpoena upang obligahin si Lopez na humarap at tumestigo sa mga susunod na pagdinig.

Advertisement