Kinumpirma ng International Criminal Court na kabilang si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa opisyal nitong listahan ng mga “wanted persons,” ayon sa inilabas na impormasyon ng korte nitong Miyerkules ng gabi, Mayo 13.

Ayon sa ICC, si Dela Rosa ay kabilang sa 33 akusado na kasalukuyang itinuturing na “at large.”

Sa profile ng senador sa website ng ICC, nakasaad ang kanyang buong pangalan na Ronald Marapon Dela Rosa, kabilang ang kanyang petsa at lugar ng kapanganakan.

Inilarawan din siya ng ICC bilang dating opisyal ng Philippine National Police o PNP na humawak ng iba’t ibang posisyon sa Davao Region, naging hepe ng PNP, at nagsilbing Director General ng Bureau of Corrections sa panahong saklaw ng kaso.

Advertisement

Nakasaad din sa profile na inilabas nang “secret” ang arrest warrant laban kay Dela Rosa noong Nobyembre 6, 2025 at isinapubliko lamang noong Mayo 11, 2026.

Samantala, hinihintay pa rin ang magiging desisyon ng Supreme Court of the Philippines kaugnay ng petisyon ng senador matapos hindi pagbigyan ang hinihingi nitong temporary restraining order laban sa arrest warrant ng ICC.

Advertisement