NAGA CITY- Nagising na ang ina na suspect sa pananaga sa tatlong bata Basud, Camarines Norte.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCapt. Eva Guiruela, hepe ng Basud -PNP, sinabi nito na sa ngayon ay patuloy pa itong nagpapagaling sa ospital.
Habang ayon kay Guiruela, iniimbestigahan narin ngayon ang asawa ng suspect na kinilalang si Ace Mangistrado.
Ayon dito, tinitingnan ngayong anggulo kung talagang umalis ito sa kanilang bahay upang mag trabaho.
Mayroon narin umanong hawak na witness ang mga otoridad na makakapag patunay sa statement ng nasabing ama.
Kung maaalala pinaniniwalaang nakakaranas ng postpartum depression ang nasabing ina na suspect sa pananaga sa kanyang sariling mga anak na 5-anyos, 1yr and 8mons at 4mons old baby.