Image ref 145064864. Copyright Shutterstock No reproduction without permission. See www.shutterstock.com/license for more information.

Naglabas ng matapang na pahayag si Iran Parliament Speaker Mohammad Bagher Ghalibaf matapos ang peace talks sa pagitan ng Iran at Estados Unidos, iginiit na hindi magpapasailalim ang kanilang bansa sa anumang pagbabanta mula sa Amerika.

Bilang tugon sa mga pahayag ni U.S. President Donald Trump, sinabi ni Ghalibaf na “such threats have no effect on Iranians” at hindi sila “surrender under threats.”

Ayon sa ulat ng Iranian media, iginiit din ng opisyal na handa ang Iran na tumugon sa anumang hakbang ng Estados Unidos. “If you fight, we will fight, if you come forward with logic, we will respond with logic,” aniya.

Dagdag pa ni Ghalibaf, hindi magpapasakop ang Iran sa anumang uri ng pananakot at nagbabala na kung susubukin muli ang kanilang determinasyon, “we will teach them an even greater lesson.”

Advertisement

Binanggit din niya na mula pa sa simula ng negosasyon ay wala nang tiwala ang Tehran sa Estados Unidos, at dapat umano itong pagtrabahuhan ng Amerika, lalo na matapos ang mga naunang pag-atake habang nagpapatuloy ang usapan.

Samantala, sinabi ni Trump sa kaniyang mga post sa Truth Social na magpapatupad ang Estados Unidos ng naval blockade sa Strait of Hormuz at haharangin ang mga barkong nagbabayad umano ng “illegal toll” sa Iran.

Ayon pa sa pangulo ng US, magsasagawa rin ng hakbang ang kanilang militar upang matiyak ang ligtas na pagdaan ng mga kaalyadong barko sa nasabing ruta.

Nauna nang nagpahayag ang U.S. military na handa silang magsagawa ng panibagong operasyon laban sa Iran sa tamang panahon, habang nananatiling walang kasunduan ang dalawang bansa hinggil sa nuclear program ng Iran.

Advertisement