Inihayag ni Iranian President Masoud Pezeshkian na handa na ang Iran na tapusin ang giyera sa pagitan ng US at Israel, ngunit nakasalalay ito sa pagtanggap ng mga kondisyon na nakasaad sa peace deal na isinusulong ng US.
Giit ni Pezeshkian, nais nilang hindi na maulit ang anumang giyera at hindi tatanggapin ang simpleng ceasefire; ang tanging tanggap ay ang tuluyang pagtatapos ng labanan.
Ayon sa kanya, hindi na rin nila sasaluhin ang 15-point proposal ng US dahil itinuturing nilang hindi makatarungan at iisang panig lamang ang nakikinabang dito.
Magugunitang ilang ulit nang sinabi ni US President Donald Trump na mayroong pag-uusap ang mga kinatawan ng US at Iran upang itaguyod ang nasabing 15-point plan.
Advertisement
Advertisement













