Photo @ web

Itinanggi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na sinadyang minaliit si Hesus matapos batikusin ang kanyang paghahambing kay Hesus kay Genghis Khan sa isang talumpati.

Tinawag ni Netanyahu na “fake news” ang mga paratang at ipinaliwanag na ang kanyang sinabi ay hango lamang sa ideya ng historyador at tagahanga ni Hesus na si Will Durant, na nagpapakita ng kahalagahan ng lakas militar kasabay ng moralidad. Binanggit niya na kahit isang “morally superior civilization” ay maaaring talunin ng mas malupit na kalaban kung walang kakayahang ipagtanggol ang sarili.

Ginawa niya ang paglilinaw matapos umani ng batikos mula sa publiko at ilang lider ng simbahan, na tinuturing na mapanirang-puri ang paghahambing. Ayon kay Netanyahu, ang layunin ng talumpati ay ipakita na hindi sapat ang moralidad kung wala ring lakas upang mapanatili ang seguridad at proteksyon ng isang bansa o komunidad.

Advertisement