NAGA CITY- Natagpuan ang kalansay ng isang batang lalaki sa may gilid ng sapa sa Catanauan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Jomar Monterey, residente ng Barangay Sta. Maria Dao, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, tinitingnan ng mga awtoridad na linunod ng suspek na si Lyn-Lyn Capio Monterey, 25-anyos, ang biktima sa sapa at tuluyang pinatay.

Sa iniyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sinasabong narinig umano ng testigo ang suspek na tila napapagod na ito sa pag-aalaga sa biktima.

Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente gayundin ang pagtunton sa salarin.