NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang katawan ng hindi pa nakikilalang indibidwal sa Tiaong, Quezon.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakita na lamang ng isang concerned citizen ang wala ng buhay na katawan ng nasabing biktima sa Sitio Ibaba, Brgy Cabay sa nabanggit na bayan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, lumalabas na ang biktima ay pinaniniwalaan na nasa 35-40-anyos na kung saan ng matagpuan ay nakasuot ng green short pants at black t-shirt.
Samantala, ang biktima ang nakita naman na nakadapa at mayroong dugo sa kanyang mukha.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga kapulisan patungkol sa insidente gayundin ang pag-alam sa pagkakakilanlan ng biktima.