NAGA CITY – Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki habang palutang-lutang sa irigasyon sa Sariaya, Quezon.

Tinatayang nag-eedad 40-anyos ang nasabing biktima.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nang dumaan sa lugar ang isang Ronelito Remojo Umbrete upang magbukas ng water pump, nakita na lamang nito ang katawan ng biktim na wala ng buhay.

Sa inisyal ng imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na naaagnas na ang katawan nito ng matagpuan sa nasabing lugar.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.