NAGA CITY- patay na ng matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa Malunay, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Rudy Canta Navela, 39 taong gulang, residente ng Sitio Malibago Bato, Brgy. Cambuga, sa nasabing barangay.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang natutulog ang biktima sa loob ng kanilang bahay ng bigla na lang itong pagtatagain ng hindi pa nakikilalang suspek.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman pa na sinubokan aniya ng biktima na makatakas ngunit ito ay hinabol ng nasabing suspek at muling pagtatagain.
Dahil sa pangyayari nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng kaniyang katawan si Navela na naging dahilan ng agad nitong pagkamatay.
Samantala, natagpuan ang katawan ng biktima sa magubat na bahagi ng nasabing lugar.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigastion ng mga otoridad pati na rin paghahanap sa posibleng pagkakakilanlan at kinalalagyan ng nasabing suspek.