Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi siya ang dahilan ng umiinit na tensyong pulitikal sa bansa habang papasok sa ikaapat na taon ng kaniyang administrasyon.

Sa isinagawang Kapihan sa Tokyo, Japan, sinabi ng Pangulo na ang mga taong unang nagpasimula ng “political heat” ang siya ring dapat magpababa nito.

Ayon kay Marcos, hindi umano siya kailanman umatake, nanira, o nagdeklara ng laban sa anumang political group dahil nakatuon lamang siya sa pagtatrabaho.

Giit pa ng Pangulo, ang mga nagpapakalat umano ng iba’t ibang alegasyon at mga isyung pampulitika ang siyang dahilan ng pag-init ng sitwasyon sa politika.

Advertisement

Sinabi rin ni Marcos na may dalawang uri umano ng pulitiko—ang mga tumutulong at ang mga humahadlang lamang sa mga programa ng pamahalaan.

Dagdag pa niya, kung nais umanong mapababa ang political tension sa bansa, kailangang magsimula ito sa mga unang nagpasiklab ng tensyon.

Advertisement