NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki sa Brgy. Talaan Aplaya, Sariaya, Quezon.

Tinatayang nasa 40-45 taong gulang an nasabing biktima.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nang mapadaan sa naturang lugar ang isang concerned citizen, dito na nito natagpuan ang katawan ng biktima sa tabi ng daan na wala ng buhay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad nabatid din na napupuluputan ng tape ang buong mukha ng naturang biktima.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad lalo na para sa posibleng pagkakakilanlan ng biktima.