NAGA CITY-Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na si alyas Manuel, 50-anyos, residente ng Brgy. Balubal, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakita na lamang umano ang wala ng buhay na katawan ng biktima nang kanyang live-in partner na kinilalang si alyas Madelyn sa isang madamong bahagi na tinatayang mahigit kumulang 7 metro an layo sa kanilang bahay.

Batay naman sa salaysay ni alyas Madelyn bago ang insidente inutusan umano ito ng biktima na bumili ng alak dahil mag-isang umiinom si alyas Manuel sa loob ng kanilang bahay.

Kaugnay nito, nang bumalik si alyas Madelyn, hindi na nito naabutan ang biktima.

Kaagad naman nitong hinanap si alyas Manuel pero sa kasamaang palad patay na ng matagpuan.

Samantala, sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, pinaniniwalaan na pinatay umano ang biktima ng hindi pa makilalang suspek.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan patungkol sa nasabing insidente.