NAGA CITY-Sugatan ang isang production crew at isang drayber ng motorsiklo pagkatapos masagi ng isang pampasaherong bus sa Maharlika Highway sa lugar ng Brgy. Calumpang, Tayabas City.

Kinilala ang sugatan na si Christian Gerald Mercado Villoria, 33-anyos, residente ng Sampaloc Road Brgy. Calumapang, Tayabas City. Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office napag-alaman na habang binabaybay ng motorsiklo na minamaneho ni Villoria ang kahabaan ng nasabing daan papunta sa direksyon ng Lucena City nang masagi ito ng bus na minamaneho ni Rolando Amparo Parco, 48-anyos, residente ng Brgy. Malibak, Atimonan, Quezon.

Dahil sa pangyayari sugatan ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan nito na kaagad namang dinala sa ospital para sa agarang lunas. Samantala, kaagad naman tumakas ang drayber ng nasabing bus. Sa ngayon, inihahanda na ng mga awtoridad ang kaso na ihahain sa nabanggit na drayber.