NAGA CITY- Patay ang isa katao matapos na managa ang isang lalaki na nawalan ng manok sa San Francisco Quezon.

Kinilala ang biktima na si Ariel Santuele Giqui, 38-anyos, residente ng Sitio Manggahan, Brgy Pagsangahan, sa nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon City Police Provincial Office (QPPO), napag-alaman na nakipag-inuman ang biktima sa
suspek na si Jimmy Pagatpat Pizarro, 25-anyos, residente ng nasabing lugar sa bahay ng isang nagngangalang Jayson Villaguarda.

Ayon sa report, nabatid na nagkainitan ang mga ito matapos na mawala ang manok ni Pizzaro na naging dahilan ng para habulin ng taga ang biktima at pinagsasaksak ito.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktima na naging dahilan ng agarang pagkamatay nito.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang hot pursuit operations ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.