NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang isang lalaki na pinaniniwalaang binaril sa Calauag, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Rommel Flavier Lagadia, 29-anyos, residente ng Brgy. Sta Rosa, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nakita na lamang ng pinsan nito na kinilalang si Alexander Lagadia ang biktima na wala nang buhay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na nagtamo ng tama ng bala ng baril si Flavier na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Sa ngayon, nagpaptuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente gayundin ang paghahanap sa posibleng may kagagawan ng nasabing krimen.