NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos na ma hit and run sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy, Villa Padua Gumaca, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Joseph Brucal, 36-anyos residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QCPPO), napag alaman na habang nagvuvulcanize ng gulong ng truck ang biktima, dito na ito nabundol ng isang behikulo papunta sa Bicol ang direksyon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na dahil sa insidente, agad na binawian ng buhay ang biktima.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad para sa posibleng pagkakakilalan at pagkakaaresto ng suspek na agad na tumakas matapos ang insidente.