NAGA CITY- Patay ang isang magsasaka matapos na magpatiwakal sa Buenavista, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Jerry Velarde, 42-anyos, residente ng Sitio Tabing Daan, Barangay Catulin sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang papunta sa taniman ang bayaw ng biktima na kinilalang si Jerry Villete nang makita na lamang nito ang wala ng buhay na katawan ni Velarde na nakabitay sa isang puno.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na inakala lang ni Villete na umaakyat lamang ng puno ang naturang biktima at hindi nito naisip na magpapatiwakal ang bayaw.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigayon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.