NAGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos na magpatiwakal sa Infanta, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Zeusrey Bausa, 25-anyos, residente ng Purok Silahis Brgy. Tongohin sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan na lamang ng staff ng isang resort ang katawan ng biktima na nasa ilalim ng swimming pool.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, ayon umano sa mga footages ng CCTV camera sa nasabing resort na sinadya ng biktima na magpakalunod.

Kaugnay nito, natagpuan naman ng pinsan ng biktima ang suicide note nito sa loob ng kaniyang bag.

Samantala, agad naman na dinala sa pagamutan ang biktima para sa asistensiya medikal ngunit ideklara rin itong dead-on-arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.