NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kanyang kapatid sa Brgy. Macogon Labo, Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Crizaldo Efa 50-anyos habang kinilala naman ang suspek na si Edgar Efa 38-anyos mga residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office CNPPO, sinasabing nag-iinuman umano ang
magkapatid ng magkaroon ito ng hindi pagkaka-unawaan na nauwi sa pananaksak ng suspek.

Kaugnay nito, nagtamo ng malalang tama ang biktima na agad naman nitong ikinamatay.

Sa ngayon patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad habang nasa ospital pa ang suspek na nagtamo rin ng saksak sa ilang parte ng kanyang
katawan.