Ipinag-utos ng liderato ng House of Representatives of the Philippines ang pamamahagi ng kopya ng resolusyong naglalaman ng Articles of Impeachment laban kay Bise Presidente Sara Duterte sa lahat ng miyembro ng Kamara.

Ayon sa House leadership, naipamahagi na sa mga kongresista ang electronic at printed copies ng Committee Report No. 261 na sumasaklaw sa House Resolution 989 na inaprubahan ng House Committee on Justice.

Nakatakdang muling magbukas ang plenary session sa Mayo 11, kung saan inaasahang tatalakayin ang susunod na hakbang kaugnay ng impeachment proceedings.

Nauna nang nagpasya ang House Committee on Justice na may “probable cause” ang mga reklamong isinampa laban kay VP Sara Duterte, kabilang ang umano’y maling paggamit ng confidential funds at mga alegasyon ng pagbabanta laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at kanyang pamilya.

Advertisement

Itinanggi ng kampo ng Bise Presidente ang mga paratang.

Samantala, binanggit ng Kamara na ang mga impeachment allegations ay kabilang sa serye ng mga isyung tinalakay sa committee report, na ngayon ay inaasahang ihaharap sa plenaryo para sa botohan kung aabot sa kinakailangang boto upang maipasa sa Senado.

Nauna nang nabanggit sa mga ulat na may naunang impeachment attempt noong 2025 na ibinasura ng Korte Suprema dahil sa procedural issues, ayon sa Kamara.

Advertisement