NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kaniyang kapatid sa Zone 2, Brgy. Antipolo Baao, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Jomar Biag, 32-anyos ng naturang lugar.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na nag-iinuman ang magkapatid sa kanilang bahay ng bigla na lamang itong magkaroon ng mainit na argumento.
Dahil dito, bigla na lamang sinaksak ng suspek ang kaniyang kapatid na kinilala naman na si Henry Biag, 39-anyos.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang parte ng kaniyang katawan ang naturang biktima na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.
Samantala, kusa namang sumuko ang suspek sa mga otoridad habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa nangyaring krimen.