NAGA- Patay na ng matagpuan ang isang lalaki sa Barangay Ibabang Dupay, Lucena City.

Kinilala ang biktima na si Wilfredo Manansala, 58-anyos, residente ng nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na nakita ang katawan ng biktima sa isang boarding house na pagmamay-ari ng isang Felix Campito.

Ayon kay Campito, nakaamoy umano ito ng nabubulok na amoy mula sa kwarto na inoolupa ni Manansala.

Dahil dito, kumatok umano ito sa pinto ng kwarto ng biktima ngunit walang sumasagot, kung kaya sapilitan na itong binuksan ni Campito at dito na nga tumambad ang wala ng buhay na biktima habang nasa loob ng banyo.

Samantala, wala namang nakikitang foul play sa pagkamatay ni Manansala,

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.