NAGA CITY – Patay na nang matagpuan ang isang lalaki sa Tayabas City.

Kinilala ang biktima na si Arturo Allermo Gaela, 59-anyos, residente ng Phase II, Brgy Lita sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na ang nasabing biktima ang caretaker ng warehouse.

Dagdag pa dito, ayon sa mga kapamilya ng biktima, una naman na itong na ospital dahil sa sakit sa puso.

Sa inisyal pang imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na wala namang nakitang nangyaring foul play sa insidente.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang posibleng dahilan ng pagkamatay ng nasabing biktima.