Maaaring magsimula ang aktuwal na paglilitis ng dating Pangulo Rodrigo Duterte sa International Criminal Court sa pagitan ng Oktubre 2026 hanggang Pebrero 2027.
Sa pahayag ni Kristina Conti, posibleng tumagal pa ng walong buwan hanggang isang taon ang mga paghahanda bago ang trial proper, kabilang ang mga status conferences at internal discussions na hindi bukas sa publiko.
Kapag nagsimula na ang paglilitis, inaasahang tuloy-tuloy na ang proseso, kung saan unang araw ay maaaring kahalintulad ng arraignment at pormal na pagbasang ng mga kaso sa akusado.
Ayon sa ICC rules, kailangang humarap ang akusado sa paglilitis, ngunit maaari ring payagan ang virtual attendance o livestream participation depende sa desisyon ng hukuman.
Sinabi rin ni Conti na karaniwang isinasagawa ang mga pagdinig mula 9 a.m. hanggang 4 p.m., at maaaring magtagal ang buong trial ng ilang taon batay sa mga nakaraang kaso sa ICC.
Si Duterte ay nahaharap sa kasong crimes against humanity, partikular murder at attempted murder, kaugnay ng kampanya kontra droga noong siya ay alkalde ng Davao City at bilang Pangulo ng Pilipinas.
Nauna nang kinumpirma ng ICC Pre-Trial Chamber I ang mga kaso at inatasang simulan ang proseso ng paglilitis.














