NAGA CITY – Sugatan ang isang lalaki matapos na pagbabarilin sa
Calabanga, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Alex Ortiz, 40-anyos, residente ng Zone 2, Brgy. Bonot-Sta. Rosa sa nasabing bayan.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang sakay ng tricycle ang biktima pauwi sa kanila ng pagbabarilin ng suspek na kinilalang si Daniel Perez, residente naman ng nasabing lugar.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na dahil sa insidente, nagtamo ng tama ng baril ang biktima sa hita at likod na agad namang dinala sa ospital para sa tulong medikal.
Samantala, narekober sa pinangyarihan ng insidente ang anim na piraso ng fired cartridge case para sa caliber 9MM at isang deformed fired slug.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad lalo na ang pagtukoy sa kinalalagyan ng suspek na agad namang tumakas matapos ang pamamaril.