NAGA CITY- Sugatan ang isang construction worker matapos pagsaksakin San Antonio, Quezon dahil sa selos.

Kinilala ang biktima na si alyas Lito, 56-anyos, at residente ng Barangay Pulo, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na dakong alas-8 ng gabi nang makita ng suspek na kinilalang si alyas Ruel, 52-anyos at residente ng Barangay Pulo sa nasabing bayan, ang biktima na kasama ang kanyang dating live-in partner kung saan hindi nito napigilan na magselos na nagresulta ng kanyang pagsaksak sa biktima gamit ang balisong, na tumama sa kaliwang braso ni alyas Lito.

Samantala, agad naman tumakas ang suspek sa hindi pa nalalamang direksyon matapos isagawa ang krimen.

Habang si alyas Lito ay agad naman dinala sa ospital upang gamutin.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang paghanap sa suspek kung saan ito ay nahaharap sa kasong frustrated homicide.