NAGA CITY- Sugatan ang isang lalaki matapos na pagsasaksakin ng isa pang lalaki sa Balayong St. Brgy Pahinga Norte, Candelaria, Quezon.

Kinilala ang biktima na si alyas Rafael, 35-anyos, residente sa nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nag-iinuman ang biktima at suspek na kinilalang si alyas Jayvee sa tapat ng bahay ni alyas Tessie ng magkaroon ng mainit na diskusyon sa pagitan ng mga ito.

Sa gitna ng mainit na pagtatalo bigla na lamang pinagsasaksak ng suspek ang biktima.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima at dinala sa ospital para sa asistensya medikal.

Kaagad naman na tumakas ang suspek matapos na isagawa ang insidente pero dahil sa ginawang imbestigasyon ng mga otoridad kaagad naman na naaresto ito.

Sa ngayon, patuloy pa na nagpapagiling ang biktima sa ospital dahil sa tinamong sugat dahil insidente.