NAGA CITY – Arestado ang isang bagged boy matapos magtangkang pumasok sa isinasagawang buy bust operation sa Zone 1 Barangay Mabolo, sa lungsod ng Naga

Kinilala ang suspek na si Joven Basquiña, 32-anyos residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office (NCPO), napag-alaman na habang nagsasagawa ng buy bust operation ang mga awtoridad nang nagtangkang pumasok si Basquiña sa nasabing operasyon.

Kaugnay nito, binalaan naman ng mga awtoridad ang suspek na huwag munang pumasok dahil nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon, ngunit hindi umano ito nagpapigil.

Dahil dito hindi na nagdalawang isip pa ang mga awtoridad na arestuhin ang suspek, kung saan dito na nakapkap sa bulsa nito ang isang kutsilyo na may apat na pulgadang talim at walong pulgadang haba.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposiyon.