NAGA CITY – Sugatan ang isang lola matapos mabundol ng isang motorsiklo sa Brgy. Baguio, Tayabas City.

Kinilala ang biktima na si Yolanda Palad, 81-anyos, residente ng naturang barangay.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang tumatawid ang biktima sa kalsada ng mabundol ito ng motorsiklo na minamaneho ng suspek na si Romel Ortiz, 43-anyos, residente ng South Gate Subdv. Brgy. Calumpang, Tayabas City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na dahil sa nasabing insidente, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na agad namang dinala sa ospital ng drayber ng nasabing behikulo para sa asistensya medikal.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.