NAGA CITY – Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang lolo sa Sitio 1, Brgy Sipa, Padre Burgos, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Anastacio Ramos, Jr., 66-anyos, residente ng Sitio Highway, Brgy Pinagbayanan, Pagbilao sa naturang lalawigan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang papunta umano sa isang falls ang isang John Carlo Llego, 21-anyos, residente ng naturang lugar nang madukayan nito ang wala ng buhay na katawan ng biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, pinaniniwalaan na walang nangyaring foul play sa naturang insidente at pinaniniwalaang natamaan ang biktima ng bumagsak na niyog na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Sa ngayon, tumanggi na rin ang pamilya ng biktima na isailali pa ang katawan nito sa autopsiya.