NAGA CITY- Patay ang isang lolo matapos na pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang suspek sa General Nakar, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Solomon Martinez Zamora, 84-anyos, residente ng Sitio Rosal, Brgy. Batangan sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na bigla na lamang dumating sa residensiya ng biktima ang nasabing mga suspek at dito na pinagbabaril ang senior citizen.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na nagtamo ng tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima dahilan upang agad itong bawian ng buhay.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad lalo na posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto ng mga suspek.Top