Umabot na sa mahigit ₱12.50 milyon ang tinatayang halaga ng pinsalang idinulot ng nagdaang bagyong Inday sa sektor ng agrikultura.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), apektado ng bagyo ang 1,078 magsasaka na may kabuuang 500 ektarya ng agricultural areas sa apat na rehiyon.

Batay sa paunang pagtatasa ng DA Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, naitala ang pinsala sa mga sektor ng agrikultura sa Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, at Negros Island Region.

Dahil sa epekto ng bagyo, tinatayang 107 metrikong tonelada ng produksiyon ang nawala, na kasalukuyang isinasailalim pa sa validation.

Advertisement

Inaasahan pa ang posibilidad ng pagtaas ng halaga ng pinsala at pagkalugi habang nagpapatuloy ang mas malawak na assessment at validation sa mga apektadong lugar.

Bilang tugon sa pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng habagat at bagyong Inday, naglaan ang DA ng iba’t ibang tulong tulad ng agricultural inputs, Survival and Recovery Loan Program, at indemnification para sa mga insured farmers na naapektuhan ng kalamidad.

Advertisement